Si Marcos ay maagang dumating sa Mariano Elementary School sa Ilocos Norte. Pagbukas pa lamang ng eskwelahan ay agad dumating si Marcos para bumoto.
Bahagya namang nagkagulo dahil nainis ang mga Board of Election Inspectors (BEIs) sa mga nagcocover na media.
Bagaman mayroon linya na inilagay kung saan maari lamang manatili ang mga mamahayag ay marami pa rin ang nagpasaway.
Matapos bumoto ay dumeretso sa simabahan si Marcos para magsadal.
Samantala si Senator Santiago ay bumoto na rin sa La Vista Subd. clubhouse sa Quezon City.
Alas 7:00 ng umaga nang bumoto ang senadora kasama ang kaniyang asawa.
Sen. Miriam Defensor-Santiago, ipinakita ang indelible ink sa kaniyang daliri bilang patunay ng pagboto. @dzIQ990 pic.twitter.com/eP8Z1Ow50F
— Kabie Aenlle (@kbdaenlle) May 8, 2016