Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Biyernes (November 12), pumalo na sa 2,813,115 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 29,105 o 1.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,894 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
63.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.7 porsyento ang asymptomatic; 16.70 porsyento ang moderate; 10.2 porsyento ang severe habang 4.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 170 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 45,035 o 1.60 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 1,421 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,738,975 o 97.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.