Pumalo na sa 252.65 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 252,652,085 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 47,693,516 cases.
Sumunod na rito ang India na may 34,414,186 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 21,926,526 naman ang kaso sa Brazil habang 9,448,402 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 8,952,472
– Turkey – 8,340,322
– France – 7,256,643
– Iran – 6,019,947
– Argentina – 5,302,445
– Spain – 5,042,803
– Colombia – 5,024,263
– Germany – 4,925,928
– Italy – 4,835,435
– Indonesia – 4,249,758
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,095,677 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 228,575,727 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.