Simula Disyembre 1, 2021, oobligado na mandatory na magpapabkuna kontra COVID-19 sa mga eligible employees na magsasagawa ng on-site work.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, gagawin ito sa mga lugar na may sapat nang suplay ng bakuna.
Saklaw ng kautusan ng Pangulo ang mga manggagawa sa pribado at pampublikong sektor.
“In compliance with the directives of President Rodrigo Roa Duterte, the Inter-Agency Task Force approved measures to employ a whole-of-government solution to increase demand for COVID-19 vaccination,” pahayag ni Roque.
Para sa mga hindi pa bakunado, kailangan ang RT-PCR o antigen tests mula at sarili nilang gastos.
Samantala, inaatasan ang mga nasa public transportation services gaya ng road, rail, maritime, at aviation sectors na obligahin ang mga manggagawa na magpabakuna na para magtuloy-tuloy ang kanilang oeprasyon.