Magandang balita sa mga nagbabalak magbakasyon sa Boracay.
Hindi na kailangan ang RT-PCR test para sa mga turista na bibisita sa Boracay.
Ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores, magsisimula ang bagong polisiya sa susunod na linggo, Nobyembre 16.
Pero ayon kay Miraflores, kailangan lamang na fully vaccinated na kontra COVID-19 ang mga bibisita sa Boracay.
Sinabi pa ni Miraflores na kailangang ipakita ang vaccination certificate mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) website.
Tatanggapin din aniya ang vaccination cards mula sa local government units basta mayroong QR code.
Sa ngayon 94 percent ng tourism workers sa Boracay ay nakakuha na ng first dose ng bakuna na kontra COVID-19 habang 70 percent ang naka-second dose na.