Dadagdagan pa ng Department of Education ang bilang ng mga eskwelahan sa pilot implementation ng face-to-face classes.
Ito ay dahil sa patuloy na bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa pahayag ng DepEd, 484 sa 638 na eskwelahan ang nakapasa sa granular risk assessment ng Department of Health.
Sinabi pa ng DepEd na marami pang local government units kabilang na sa National Capital Region ang humihirit na mapasama sa pilot implementation ng face-to-face classes.
Una nang inaprubahan ng DepEd ang face-to-face classes sa 100 public schools at 20 private schools.
MOST READ
LATEST STORIES