Pagsanib ni Mayor Sara malaking karangalan sa Lakas – Sen. Bong Revilla

Photo credit: Office of Rep. Martin Romualdez

Nagbigay ng malaking karangalan sa Lakas – CMD party ang pagpili at pagsama sa kanila ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ito ang sinabi ni Sen. Ramon Revilla Jr., ang chairman ng partido, bagamat aniya matagal na nila itong kaalyado.

“We have worked with Mayor Sara in the past and in fact continue to be allies in coalition with her former local party – Hugpong ng Pagbabago (HNP),” sabi pa nito.

Dagdag pa nito, mahaba na ang kasaysayan ng paglilingkod sa bansa ng kanilang partido.

“Our Christian-Muslim-Democratic principles have guided our members in the past three decades, and we continue to build a proud legacy for the country,” dagdag pa ni Revilla.

Pagtitiyak pa ng senador na ibubuhos nila ang kanilang buong suporta sa anumang plano ni Duterte dahil aniya ang anumang tagumpay nito ay tagumpay na rin ng partido.

Read more...