2022 budget ng DPWH tinapyasan ng P32.6B ng Senate Finance Committee

Mula sa P698.19 billion ginawang P665.5 billion na lamang ng Senate Committee on Finance ang pondo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa susunod na taon.

Sinabi naman ni Sen. Sonny Angara, ang namumuno sa komite, sa kabila ng kabawasan, nanatiling pangalawa ang DPWH sa may pinakamataas na alokasyon mula sa pambansang pondo sa susunod na taon.

Una lamang sa kanila sa proposed P5.024 trillion 2022 national budget ang Department of Education na may budget na P738.62 billion.

Ayon pa kay Angara hindi lamang ang DPWH ang tinapyasan ng pondo.

Dagdag pa ng senador malaking bahagi ng mga ibinawas na pondo sa ilang ahensiya ay inilipat lamang para sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya.

 

Read more...