Baras, Catanduanes niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Catanduanes, Huwebes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 51 kilometers Southeast ng Baras bandang 5:38 ng gabi.

May lalim ang pagyanig na 4 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang instrumental intensity 1 sa Legazpi City.

Wala namang napaulat na pinsala sa naturang probinsya.

Wala ring inaasahang aftershocks sa mga karatig-lalawigan.

Read more...