Project 4 People’s Park sa Quezon City, bukas na sa publiko

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Bukas na sa publiko ang bagong renovate na Project 4 People’s Park sa Brgy. Milagrosa, Quezon City.

Ayon sa pahayag ng lokal na pamahalaan, child-friendly zone ang parke.

Binuksan ang parke sa araw ng Huwebes, Nobyembre 11.

Paalala ng lokal na pamahalaan, patuloy na sumunod sa health protocols na itinakda kontra COVID-19 lalo na ang pagsusuot ng face shield.

Target ng Quezon City government na buksan na ang mga pook pasyalan para sa mga bata.

Read more...