Napansin ng PAGASA ang maulap na papawirin sa Silangang bahagi ng Northern Luzon at Bicol region.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, umiiral ang Shearline o Tail-end of Frontal System sa Silangang bahagi ng Northern Luzon habang Northeast Monsoon o Amihan naman ang nakakaapekto sa nalalabing parte nito.
Sa parte ng Bicol, sinabi ni Ordinario na Easterlies naman ang umiiral.
Bunsod nito, asahan ang makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Silangang bahagi ng Cagayan Valley, Aurora, at Bicol region.
Sa Metro Manila at nalalabing parte naman ng bansa, mananatili ang maaliwalas na panahon, maliban na lamang sa isolated rainshowers.
Sinabi rin nito na walang inaasahang papasok o mabubuong bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlong araw.