Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (November 11), nasa 2,811,248 na ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 28,660 o 1.0 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,974 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
62.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.9 porsyento ang asymptomatic; 17.15 porsyento ang moderate; 10.4 porsyento ang severe habang 4.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 142 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 44,866 o 1.60 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 2,388 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,737,722 o 97.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.