Jefry Tupas, wala sa listahan ng search warrant sa Davao de Oro raid

PHOTO FROM PDEA-REGION 11

Wala sa listahan ng search warrant si dating Davao City information officer Jefry Tupas sa raid sa isang beach party sa Davao de Oro.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, mismong ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nagkumpirma na wala sa search warrant o arrest warrant ang dating tauhan ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

“Well correction lang po ‘no, nagkumpirma po ang PDEA na iyong dating information officer ni Mayor Sara ay hindi po kasama doon sa search warrant or kaya doon sa arrest warrant na in-issue para po dito sa buy bust operation na ito. So hindi po talaga siya identified as a key personality dito sa ginawang raid,” pahayag ni Roque.

Kaya wala aniyang basehan ang akusasyon na mayroong special treatment kay Tupas.

Matataandaang nilusob ng mga tauhan ng PDEA ang isang beach party at nakumpiska ang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Ayon sa mga naaresto, kasama nila si Tupas sa mga inaresto subalit pinakawalan matapos magpakilala na staff ni Duterte.

Read more...