Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 5.08 milyon na

AFP photo

Lagpas 5.08 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,088,513 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 780,102.

Sumunod na rito ang Brazil na may 610,080 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 462,189 naman ang death toll sa India habang 290,374 ang napaulat na nasawi sa Mexico.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 250,454
– Peru – 200,532
– Indonesia – 143,592
– United Kingdom – 142,338
– Italy – 132,551
– Iran – 127,686
– Colombia – 127,640
– France – 118,056
– Argentina – 116,184

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 252,153,383 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 228,227,642 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...