Walong bata sugatan sa pagsabog sa Baybay City, Leyte

Malubhang nasugatan ang walong bata sa pagsabog ng nilalaro nilang rifle grenade sa Baybay City, Leyte noong Martes ng hapon.

Base sa impormasyon mula sa Eastern Visayas Regional Police Office, ang mga biktima ay kinabibilangan ng limang lalaki at tatlong babae at may edad mula 8 – 12.

Sila ay pawang residente ng Barangay Candadam.

Nabatid na ang 40-mm rifle grenade na para sa M203 grenade launcher ay natagpuan ng mga bata sa sa isang abandonadong videoke bar.

Diumano sumabog ito nang itapon ng isa sa mga batang lalaki.

Ginagamot na ngayon ang mga biktima sa Immaculada Concepcion Hospital.

Read more...