Ibinahagi ni Senator Sonny Angara na iimbestigahan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang 45 korporasyon na nakakuha ng kontara sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (DBM) para sa COVID 19 supplies.
Ang pag-anunsiyo ay ginawa ni Angara sa deliberasyon sa Senado sa higit P5 trillion 2022 national budget.
Sinabi ni Angara na may internal memorandum ng inilabas si BIR Comm. Cesar Dulay ukol sa gagawing imbestigasyon.
Base sa memorandum, inatasan ni Dulay ang 11 regional directors at 20 revenue district officers na imbestigahan at pagmultahin ang 45 suppliers kung magkaroon ng sapat na ebidensiya laban sa kanila.
Ngunit, sinabi ni Senate Minority Leader Frank Drilon dapat ay bumuo ng special task force ang BIR na mag-iimbestiga sa 45 kompaniya sa pangamba na walang mangyayari kung ang regional at district offices lamang ang mag-iimbestiga.