Magkapatid patay sa sunog sa Caloocan City

Patay na nang matagpuan ang dalawang magkapatid sa loob ng nasunog nilang bahay sa Caloocan City kaninang madaling araw.

Unang napa-ulat na nawawala ang magkapatid na Jovina, 7 at Briza Jurado, 2, nang magsimulang lamunin ng apoy ang kanilang bahay pasado ala-1.

Nabatid na natagpuan ang mga labi ng magkapatid sa isang sulok malapit sa bintana at labis na naghinagpis ang kanilang ina na si Mina nang makita ang mga anak.

Ilang bahay pa sa Ilang-Ilang St., sa Barangay 185 ang natupok bago nakontrol at tuluyang naapula ang apoy makalipas ang dalawang oras.

Nahirapan ang mga bumbero na pasukin ang lugar dahil sa makikitid na mga kalsada.

Inaalam pa ang ugat ng sunog at ang halaga ng mga napinsalang ari-arian.

 

Read more...