Pangulong Duterte labis na humanga sa bagong PSG Hospital

PSG PHOTO

Ang sarap nang mamatay sa kagandahan.

Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng bagong ospital ng Presidential Security Group (PSG) sa Malacanang Park.

“Ngayon noong sa ospital ninyo nakita ko eh talagang gwapo. Pag Bisaya tanungin mo, gwapo. Actually it’s the most beautiful hospital that I’ve ever seen in my life. I’ve been operated on in different hospitals in the span of my life. Until now, ito ang pinakamaganda na ospital. Ang sarap nang mamatay sa kagandahan,” pahayag nito.

Umabot sa P1 bilyon ang inilaang pondo sa ospital para sa mga tauhan ng PSG at kanilang pamilya

“The construction of this medical facility is an admirable feat, especially amidst the challenges of the COVID-19 pandemic. This will greatly benefit PSG personnel, their dependents and other primary stakeholders,” dagdag pa ng Punong Ehekutibo.

Ang 9,000 square meter, two-story na ospital ay may 51-bed capacity at may Hyperbaric Oxygen Treatment facility.

Kasabay nito, sinaksihan din ng Pangulo ang formal turnover ng librong “Philippine Tactical Combat Casualty Care Course Manual,” sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

Read more...