Tatlong milyong doses ng Sinovac COVID 19 vaccines dumating sa bansa

NTF AGAINST COVID 19 PHOTO

Nadagdagan pa ang suplay ng Pilipinas ng COVID 19 vaccines sa pagdating ng tatlong milyong doses ng Sinovac vaccines.

Alas-11:15 ng umaga kanina nang lumapag sa NAIA Terminal 2 ang PAL flight PR 361 na may dala ng mga bakuna na gawa sa China.

Nabatid na binili ng gobyerno ang mga bakuna gamit ang ipinautang ng Asian Development Bank.

Kasama sa mga sumalubong sa mga bakuna si Asec. Wilben Mayor, na siyang namumuno sa current operations sub-task group ng NTF Against COVID 19.

Hinikayat ni Mayor ang mga lokal na opisyal na bilisan pa ang pagbabakuna ng kanilang mamamayan upang mas marami ang mabakunahan pagsapit ng Disyembre.

Dagdag pa niya target ng gobyerno na mabakunahan ang 80 – 90 porsiyento ng 110 milyong Filipino hanggang sa darating na Pebrero para sa ligtas na pagdaraos ng 2022 national and local elections.

Hanggang ngayon araw, may 117 million doses na ng ibat-ibang brand ng COVID 19 vaccines ang dumating sa bansa.

Read more...