Nagpalabas ng direktiba ang Korte Suprema sa lahat ng trial courts sa bansa para ipaalala na ipinagbabawal ang pagprisinta ng mga ‘sensitive pictures and recordings’ sa online hearing ng mga sexual abuses cases.
Sa direktiba na ipinalabas ni Court Administrator Midas Marquez ang mga sensitibong ebidensiya ay maari lamang iprisinta sa ‘in-court proceedings’
“In line with the provisions of existing laws, rules and regulations, and taking into paramount consideration the welfare of women and children, all judges and branch clerks of court of the first and second level courts are hereby directed to ensure that evidence containing sensitive photographs and recordings, including sexual abuse images and sound recordings involving women and children, shall be only presented through in-court proceedings and not through video conferencing,” ayon sa inilabas na direktiba.
Dahil sa pandemya, nagkasa ang Korte Suprema ng ‘online hearings’ o ang paglilitis sa kaso ay isinasagawa sa pamamagitan ng ‘video conferencing’ para maresolba ang mga kaso.
Kasunod nito, pumayag ang Korte Suprema na mapanood na rin ang mga online hearings.
Bagamat may nagsasagawa na ng in-court proceedings tanging ang mga sangkot na partido, abogado at testigo lamang ang dapat nasa loob ng korte.