Pangit ang mga wala pang bakuna kontra COVID-19.
Pahayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ayaw magpabakuna.
Apela ng Pangulo sa taong bayan, huwag naman sana siyang bigyan ng problema.
Kasabay nito, itinuturing ng Pangulo na bayani ang mga bakunado na.
“With this, we want to convey the message that every Filipino who will get vaccinated. Lahat na pala, ang gustong sabihin dito sa gobyerno na ‘yung lahat nagpabakuna are heroes, lahat kayo hero. Iyong hindi nagpabakuna ‘yung mga pangit na p** — p***** kayo. Huwag ninyo akong bigyan ng problema na ano,” pahayag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, magsasagawa ang pamahalaan ng tatlong araw na national vaccination drive mula November 29 hanggang December 1.
“Ito pala, we are planning to conduct a three-day national vaccination drive from November 29 to December 1 coinciding with our November 30 commemoration of Bonifacio Day,” pahayag ng Pangulo.
15 milyong katao ang target na mabakunahan sa tatlong araw na vaccination drive.