Mayor Isko Moreno planong idugtong ang Bataan sa Cavite at Batangas

Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Idudugtong ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno ang Bataan sa mga probinsya ng Cavite at Batangas.

Ito ay kung papalaring manalo bilang pangulo ng bansa si Mayor Isko sa 2022 presidential elections.

“We will continue the Build, Build, Build. But in our case, habang tinuloy yung mga sinimulan na, tayo naman, mag-build, build, build tayo: build more schools, build more hospitals, build more industry, build more jobs and build the bridge from Bataan to Corregidor, to Batangas and Cavite,” pahayag ng standard bearer ng Aksyon Demokratiko.

Nagtungo sa Bataan si Mayor Isko para makipagpulong sa mga magsasaka at mangingisda bilang bahagi ng kanyang “Listening Tour.”

Ayon kay Mayor Isko, kapag naidugtong ang Bataan sa Cavite at Batangas, mas magiging madali na ang pagbiyahe ng mga produkto.

“Yung pinapangarap ninyo na magdugtong ang dalawang dulo ng Batangas, Cavite, Bataan, hindi na siya imposible,” pahayag ni Mayor Isko.

Nabatid na ang Bataan-Cavite Interlink Bridge ay cable-stayed bridge.

Kapag nagawa ang proyekto, magiging 40 na minuto na lamang ang biyahe sa halip na limang oras.

Read more...