Dalawang housing project sa Quezon City, pinasinayaan na

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang inagurasyon ng 3-storey Socialized Housing Project at 12-storey housing project sa Barangay Balingasa.

Ayon kay Belmonte, target ng pamahalaan na mabigyan ng disente at abot kayang pabahay ang mga residente sa lungsod.

“Sana maipamana ninyo ang bahay sa inyong mga anak, dahil sa future malaki na ang value ng mga property ninyo, na nabili niyo sa murang halaga. Iyan ang commitment natin sa mga taga-lungsod Quezon, abot-kayang pabahay,” pahayag ni Belmonte.

“Para sa akin, dapat lahat mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng disente at murang pabahay at manirahan dito mismo sa QC,” dagdag ng alkalde.

Nabatid na aabot sa 363 na pamilya ang makikinabang sa Socialized Housing Project No. 32 ng lungsod.

Sa ngayon, target ng Quezon City na mabigyan ng bahay ang 17,000 na indigent families sa ilalim ng “Katiyakan sa Paninirahan” program.

Samantala, dalawang infrastructure projects ang ginagawa ngayon sa District 2.

Ito ay ang 5-storey Evacuation Center at QC Megawide Emergency Healthcare Facility.

Nabatid na ang Evacuation Center ay mayroong sariling command center, sleeping quarters, showers at toilets, habang ang QC Megawide Emergency Healthcare Facility ay magiging permanent isolation center para sa mga residente na magpopositibo sa COVID-19.

Read more...