Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating spokesman General Dionardo Carlos bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP).
Ito ang kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año.
Papalitan ni Carlos si PNP chief Guillermo Eleazar na magreretiro sa Nobyembre 13.
Base sa appointment paper na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na may petsang Nobyembre 10, magiging epektibo ang panunungkulan ni Carlos sa Nobyembre 13.
Bago naging PNP chief, nagsilbing spokesman si Carlos at naging pinuno ng Highway Patrol Group.
MOST READ
LATEST STORIES