Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 251.56 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 251.56 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 251,563,337 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 47,536,536 cases.

Sumunod na rito ang India na may 34,386,786 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 21,897,025 naman ang kaso sa Brazil habang 9,366,676 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 8,873,655
– Turkey – 8,288,165
– France – 7,232,157
– Iran – 6,004,460
– Argentina – 5,299,418
– Spain – 5,032,056
– Colombia – 5,019,158
– Germany – 4,830,135
– Italy – 4,818,705
– Indonesia – 4,248,843
– Mexico – 3,831,259
– Poland – 3,125,179

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,079,916 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 227,779,831 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...