Dalagita na biktima ng rape-slay sa Batangas galing sa pagsagot ng module – PNP

Iniulat kay PNP Chief Guillermo Eleazar na galing sa pagsagot sa kanyang study modules sa bahay ng isang kaklase ang 15-anyos na hinihinalang biktima ng rape-slay sa Laurel, Batangas.

 

Kayat, agad ipinag-utos ni Eleazar ang masusing pag-iimbestiga sa insidente para mabigyan ng hustisya ang dalagita.

 

Nabatid na nagtungo sa bahay ng isang kaklase ang biktima para sagutan ang kanilang modules noong Lunes ng umaga ngunit hindi ito nakauwi sa tamang oras kayat labis na nag-alala ang kanyang pamilya.

 

Sa paghahanap sa dalagita ay natagpuan ito na wala ng buhay at may mga palatandaan na ginahasa ito.

 

Huling nakitang buhay ang biktima kasama ang isang barangay tanod, na inimbitahan na ng mga pulis at itinanggi na may kinalaman siya sa pangyayari.

Read more...