Comelec payag sa ‘in person campaigning’ ng mga kandidato sa 2022 elections

Papayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang ‘in person campaigning’ ng mga kandidato sa eleksyon sa susunod na taon.

 

Ito ang sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez bilang reaksyon sa hininging ‘space’ ni Pangulong Duterte para sa pangangampaniya ng mga kandidato.

 

“Sang-ayon po kami diyan at katulad ng nababanggit na natin before papayagan naman po natin ang in-person campaigning,” sabi pa ni Jimenez.

 

Aniya magtatakda lamang sila ng alintuntunin para sa physical campaign, tulad ng limitadong bilang ng mga makakasama sa campaign rally, na nakadepende din sa umiiral na alert level sa lugar.

 

“So kunyari kung mahigpit ang alert level doon edi mas konti ang pwedeng mag-attend dun sa mga rally,” paliwanag pa ni Jimenez.

Read more...