Mayor Sara Duterte ‘guwardiyado’ sa PDP – Laban

Nakatutok ang PDP – Laban sa mga susunod na hakbang ni Davao City Mayor Sara Duterte matapos bawiin nito ang kanyang kandidatura sa pagka-alkalde ng lungsod.

 

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni PDP – Laban president Alfonso Cusi na batid nila na malaki at malawak ang suporta sa presidential daughter.

 

Inamin din ni Cusi sakaling tumakbo sa national position si Duterte, tiyak na maapektuhan nito ang ‘political landscape.’

 

“In any event, her actions, including any decision to run for a national elective office, will most certainly affect the political landscape,” aniya.

 

Samantala, sa isang panayam, sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda, na kilalang malapit na kaalyado ni Duterte, na anuman ang desisyon ng huli ay malalaman bago sumapit ang Nobyembre 15.

 

Sa darating na Lunes ang huling araw ng substitution para sa mga kandidato sa 2022 national at local elections.

 

Read more...