Karagdagang 5 Black Hawk helicopters ng PAF dumating na
Tinanggap na ng Philippine Air Force (PAF) ang karagdagang limang S-70i Black Hawk helicopters sa Clark Air Base sa Pampanga noong Lunes.
Ang mga bagong Black Hawks ay ang final batch ng delivery ng PZL Mielec at ang kumumpleto sa 16 Black Hawk helicopters ng PAF.
Magugunita na Nobyembre 2020 nang dumating ang unang anim na unit na sinundan ng limang units nitong nakalipas na Hunyo.
Inaasahan na palalakasin pa ng husto ng karagdagan helicopters ang kapabilidad ng AFP na makapagsagawa ng ibat-ibang operasyon kasama na ang humanitarian assistance at disaster.
Ginagamit na rin ang Black Hawks sa pagdadala ng COVID-19 vaccines sa ibat-ibang bahagi ng bansa bilang suporta sa national vaccination rollout ng gobyerno.
Dinala sa bansa ng mula sa Poland ang helicopters gamit ang Antonov transport planes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.