Alert Level 1 sa NCR posibleng ipatupad kung nasa 500 na lamang ang COVID-19 cases kada araw

Maaring bumaba pa ang Alert Level sa National Capital Region sa mga susunod na araw.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ito ay kung papalo na lamang sa 500 na kaso ng COVID-19 ang naitatala ngayong araw.

Umiiral ngayon ang Alert Level 2 sa NCR hanggang sa November 21.

Ayon kay Duque, base sa datos kahapon, Nobyembre 8, nasa mahigit 2,000 na kaso na lamang ng COVID-19 ang naitala.

Kapag bumaba sa 1,000 o nasa 500 na lamang ang COVID-19 cases, posibleng ilagay na lamang sa Alert Level 1 ang NCR.

Kapag naibaba aniya ang alert level, mas marami ng negosyo ang magbubukas.

 

Read more...