Information officer sinibak ni Mayor Sara Duterte dahil sa pagdalo sa party drugs

FILE PHOTO

Sinibak ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang information officer na si Jefry tupas.

Ito ay matapos dumalo si Tupas sa isang party sa Mabini, Davao de Oro na ni-raid ng Philippine Drug Enforcement Agency at makumpiska ang party drugs na nagkakahalaga ng P1.5 milyon.

Ayon kay Mayor Sara, nagpahayag na rin naman si Tupas na magbibitiw sa puwesto.

Una nang inamin ni Tupas na dumalo siya sa naturang party pero umalis din isang oras bago ang raid.

Bago naging information officer ng Davao City, nagsilbing reporter ng Philippine Daily Inquirer si Tupas.

 

Read more...