Pangulong Duterte bumisita sa puntod ng mga magulang sa Davao City

(Photo courtesy: Senator Christopher ‘Bong’ Go)

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kanyang mga magulang sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City kagabi, Nobyembre 8.

Kagabi lamang nakabisita si Pangulong Duterte sa kanyang mga magulang na sina Vicente at Soledad Duterte matapos isara ang mga sementeryo para sa paggunita ng Undas.

Sarado ang mga sementeryo noong October 29 hanggang November 2 para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Kasama ng Pangulo si Senador Bong Go.

 

 

 

Read more...