Mayor Isko Moreno bumuwelta kay Sec. Harry Roque sa pagbasura sa ‘face shield policy’

Paninindigan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang kanyang kautusan na hindi na mandatory sa kanilang lungsod ang pagsusuot ng face shield maliban na lamang ilang piling lugar.

Giit ni Domagoso base sa Local Government Code, saklaw ng kapangyarihan ng mga lokal na opisyal na pangalagaan ang kapakanan ng kanilang mamamayan.

Dagdag pa nito, opinyon lang ni Presidential spokesman Harry Roque na ‘null and void’ ang inilabas niyang Executive Order No. 42 na bumabawi sa ‘mandatory use’ ng face shield.

“We, the local government unit and all the other elected official have a responsibility to take care of our people. Kami ibinoto ng mga tao. Sila, inupo lang ng mga kung sino,” sabi pa ni Domagoso, patukoy kay Roque.

Binanggit pa nito kung siya ay sasampahan ng kaso, unahin nilang kasuhan ang isang mayor na hindi na niya pinangalanan, na aniya ay una nang nagpalabas ng kahalintulad na kautusan.

Sa kanyang kautusan, ikinatuwiran ni Domagoso ang pagbaba na ng COVID 19 cases sa Maynila at aniya mayorya na ng Manilenyo.

Read more...