Expiring COVID 19 vaccines nasa kamay na ng LGUs – DOH

Nasa kamay na ng mga lokal na pamahalaan ang may malapit ng mag-expire na COVID 19 vaccines kayat hindi masasayang ang mga ito.

Ito ang sinabi ni Dr. Ma. Rosario Vergeire, ang tagapagsalita ng DOH, dahil aniya may istratehiya para walang masayang na mga bakuna.

Dagdag pa niya nang dumating ang mga bakuna, agad nilang ipinadala ang mga ito sa mga lokal na pamahalaan na may kapabilidad na magamit ang mga ito agad-agad.

Samantala, suportado ng kagawaran ang isinusulong na ‘no vaccine, no subsidy’ sa mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) kung may malakas na legal na basehan.

“We are open to this, that COVID 19 vaccination be included in the conditionalities of 4Ps. However, we need to study this thoroughly because we do not want to violate any rights of a specific individual in terms of receiving benefits from the government” sabi ni Vergeire.

Una nang sinabi ng DOH na sinusuportahan nila ang rekomendasyon nag awing ‘mandatory’ ang pagpapapabakuna sa piling sektor ng lipunan, kasama na ang health workers.

Read more...