17 high value targets inaresto ng PDEA sa beach party sa Davao

PDEA PHOTO

Nabulabog ang masayang party sa pagsalakay ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isnag beach resort sa Mabini, Davao de Oro.

Sa ulat, 17 high value targets ang naaresto sa operasyon noong gabi ng Sabado sa Sea Eagle Beach Resort sa Barangay Pindasan.

Kinilala ang target ng operasyon na si Reysan Ethelbert Elizalde, gayundin ang mga sinasabing kasabuwat niya na sina Faye Olea, Bryk Archival, Bryan Tiu at Carlo Guerrero.

Nakumpiska sa operasyon ang 10 gramo ng shabu, 722 tablets at capsule ng hinihinalang party drugs, at liquid ecstacy.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Dructs Act of 2002 ang mga naaresto.

Read more...