Dumating na sa Pilipinas ang 2,805,000 doses ng Russian COVID-19 vaccine na Sputnik V, Lunes ng gabi.
Sinalubong ni Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang ilan pang opisyal ng gobyerno, ang paglapag ng eroplanong may dala ng mga bakuna sa Villamor Airbase, Pasay City.
Nagpasalamat ang Pangulo sa gobyerno ng Russia para sa pagsusuplay ng bakuna sa Pilipinas.
Apela naman ng Pangulo sa publiko, makipagtulungan sa gobyerno sa pamamagitan ng pagbabakuna upang malampasan ang nararanasang pandemya.
Ang panibagong batch ng mga bakuna ay binili ng gobyerno ng Pilipinas.
MOST READ
LATEST STORIES