Maraming lugar sa bansa, patuloy na magiging maaliwalas ang panahon

DOST PAGASA satellite image

Umiiral pa rin ang Easterlies sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, asahan pa ang maaliwalas at maalinsangang panahon sa maraming parte ng bansa hanggang Lunes ng gabi, November 8.

Sinabi ni Perez na maari pa ring makaranas ng mga panandaliang pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa gabi dulot ng localized thunderstorm.

Sa bahagi naman ng Batanes at Babuyan Group of Islands, asahan ang mahihinang pag-ulan dala ng Northeast Monsoon o Amihan.

Mararamdaman na rin aniya ang Amihan sa Cagayan.

Dagdag nito, walang inaasahang bagyo na papasok o mabubuo sa loob ng teritoryo ng bansa sa susunod na tatlong araw.

Read more...