Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (November 8), nasa 2,805,294 na ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 32,077 o 1.1 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,087 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
64.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.8 porsyento ang asymptomatic; 16.09 porsyento ang moderate; 9.5 porsyento ang severe habang 4.0 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 91 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 44,521 o 1.59 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 3,510 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,728,696 o 97.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.