Governor Generoso, Davao Oriental niyanig ng lindol

Muling nakapagtala ng lindol sa Davao Oriental, Lunes ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 30 kilometers Southeast ng Governor Generoso dakong 3:04 ng hapon.

Tectonic ang origin ng pagyanig at 38 kilometers ang lalim.

Dahil sa lindol, naitala ang instrumental intensity 2 sa General Santos City.

Tiniyak naman ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala matapos ang pagyanig.

Wala ring inaasahang aftershocks sa mga karatig-bayan.

Read more...