DOTr, LTFRB, Landbank pumirma ng kasunduan para sa P1-B fuel subsidy

Photo credit: Sec. Art Tugade/Facebook

Pumirma ng kasunduan ang Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Landbank of the Philippines para sa inilaang P1 bilyong pondo para sa fuel subsidy para sa mga tsuper at operator.

Ayon kay DOTr Secretary Art Tugade, isinagawa ang pagpirma sa tripartite Memorandum of Agreement, Lunes ng umaga (November 8), bago siya sumakay ng eroplano patungong Iloilo.

“This is to lay the framework and documentation for the immediate implementation of the program upon receipt of the budget from the Department of Budget and Management,” saad ng kalihim.

Hahatiin ang P1 bilyong budget sa 136,230 na kwalipikadong jeepney drivers sa buong bansa, base sa TRAIN law.

Read more...