Presyo ng gasolina, may P1 na rollback

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng oil price rollback sa mga produktong petrolyo.

Sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Petro Gazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell, may bawas na P0.60 sa kada litro ng diesel habang P1.00 naman ang kaltas sa kada litro ng gasolina.

Magkakaroon naman ng P0.65 na rollback sa bawat litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price increase sa Caltex bandang 12:01, Martes ng madaling-araw (November 9).

Magiging epektibo naman ang oil price adjustment ng Petro Gazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell bandang 6:00, Martes ng umaga.

Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

Read more...