Magnitude 4.8 na lindol, tumama sa Davao Oriental

Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang Davao Oriental, Lunes ng tanghali.

Sa earthquake information no. 2 ng Phivolcs, tumama ang episentro ng lindol sa layong 44 kilometers Northeast ng Cateel.

Bandang 12:16 ng tanghali naramdaman ang pagyanig.

May lalim na 31 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naramdaman ang Intensity 3 sa Cateel, Davao Oriental; Nabunturan, Maco, at Compostela, Davao de Oro.

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...