2022 national budget amendments sa Senado, naka-sentro sa COVID 19 response – Sen. Sonny Angara

Ibinahagi ni Senator Sonny Angara na marami sa ginawang pag-amyenda sa higit P5 trillion 2022 national budget ay para sa patuloy na pagtugon sa pandemya dulot ng COVID 19.

Bukas, araw ng Martes, inaasahan na iisponsoran na ni Angara, bilang namumuno sa Senate Committee on Finance, sa plenaryo ng Senado.

Kabilang aniya sa mga pag-amyenda ay para sa benepisyo ng medical frontliners, gayunduin sa ayuda sa mga apektadong sektor ng lipunan.

Kasama din ang para sa pagbili ng ‘booster shots’ o ‘third dose’ laban sa nakakamatay na sakit.

“Many of the committee report amendments are still about our  response and health-related interventions: salaries benefits and allowances of health workers; added funds for booster vaccines, testing, tracing; improving health facilities; funding of medical scholarship law,” sabi pa ni Angara.

Ibinahagi din niya na maging ang mga rekomendasyon ng mga vice-chairpersons ng komite ay para sa pandemic response.

Inaasahan na ngayon linggo ay magsisimula na rin ang deliberasyon sa Senado  para sa pambansang pondo sa susunod na taon.

 

Read more...