Kasunod ito ng pahayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na tinitignan ng gobyerno ang posibilidad ng pagtatanggal ng tulong kung tatanggi ang 4Ps beneficiaries na makatanggap ng bakuna laban sa nakahahawang sakit.
“Indigent families and their dependent children will suffer more if they get deprived of their cash subsidies,” giit ng mambabatas.
Ayon sa House committee on welfare of children vice chairperson, “Instead of penalizing poverty-stricken families, the government should find better ways to further improve public access to COVID-19 vaccination services.”
Sabi pa ng kongresista, may P106.8 bilyong pondo sa taong 2021 para sa 4Ps, kung saan P99.2 bilyon ang inilaan para sa cash grants, kabilang ang halaga ng rice subsidies, ng 4.4 milyong kwalipikadong household-beneficiaries.
Sa panukalang P5.024-trillion national budget para naman sa 2022, itinaas sa P115.7 bilyon ang alokasyon para sa naturang programa.
Sa ilalim ng programa, makatatanggap ang mga kwalipikadong household beneficiaries ng cash grants upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng kanilang mga anak, makasailalim sa regular medical checkups, at magpadala ng isang representante para makadalo sa buwanang family development sessions.
Maari namang makapag-avail ang mga buntis sa pamilya ng pre-natal services, makapanganak sa isang health facility, at makatanggap ng post-partum care at post-natal care sa bagong silang na sanggol.