Hinimok ni Senator Risa Hontiveros ang Department of Transportation (DOTr) na payagan na makabiyahe ang karagdagang public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila at mga lalawigan.
Ito aniya ay base na rin rekomendasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTRFB) para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
“Ang siksikang pampublikong transportasyon ay COVID superspreader. Kaya panahon na para payagan muna uli ng DoTr na bumyahe ang mga traditional buses at jeepneys at magbukas ng mga bagong ruta, lalo pa at inaasahang mas marami na ang mga commuters,” ayon kay Hontiveros.
Diin ng senadora sa pagbaba ng COVID 19 cases hindi nangangahulugan na maari nang luwagan ang COVID 19 restrictions.
Aniya kailangan ang mga karagdagang pampasaherong sasakyan para hindi magdikit-dikit ang mga pasahero.
Sabi pa ni Hontiveros maari din maiwasan ang mahahabang pila at madaming tao sa mga terminal bukod pa sa maaring mabawasan na rin ang bilang ng mga pirbadong sasakyan sa mga lansangan.