Pagpapatatayo ng farm schools isinusulong ni Sen. Cynthia Villar sa mga magsasaka

Hinihikayat ni Senator Cynthia Villar ang mga magsasaka sa bansa na subukan ang ‘farm schools’ sa kanilang mga lupa.

 

Bukod dito, maari din gawin ang lupa na ‘tourism sites,’ ayon kay Villar, na ipaliwanag sa ika-6 na edisyon ng kanyang Farm Tourism Book ngayon taon ang bentahe ng farm tourism and schools.

 

Laman din ng libro ang directory ng farm schools sa bansa, na umabot sa 2,805 ang bilang, kasama na ang tourism farms, learning sites at TESDA Agri Centers.

 

Ipinaliwanag din ng namumuno sa Senate Committee on Agriculture ang klasipikasyon ng mga farm sa bansa, kung ang mga ito ay tinataniman palay, mais, niyog, organic crops, high-value organic crops, kawayan at kung ito ba ay para sa livestock, poultry, dairy, aquaculture at iba pa.

 

Layon ng libro na mapa-unlad ang farm tourism sa bansa at ito ay maari din maging gabay ng mga nahihilig sa pagtatanim, maging ng mga nagbabalak na magsimula ng kanilang kabuhayan sa pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop, gayundin ng mhga turista.

 

“I continue to urge farmers to follow the example of others who have since become more profitable after converting their farms into tourism and learning sites. They have tripled their income sources—from their crops or harvests, from tourists who visit their farms and from trainees who enroll in training programs,” sabi pa ni Villar, ang pangunahing may-akda ng RA No. 10816 o ang Farm Tourism Development Act of 2016.

 

Read more...