Mainit, maalinsangan na panahon mararamdaman sa bansa

Dahil sa mainit na hangin na nagmumula sa Pacific Ocean, mainit at maalinsangan na panahon ang mararamdaman sa bansa ngayon araw ng Lunes.

Sinabi ni weather specialist Benison Estareja na hindi mararamdaman ang  pamamayani sa ngayon ang amihan sa bansa.

“Yung amihan naman or northeast monsoon, hindi pa umiiral ngayong umaga pero pagsapit po ng hapon unti-unting lalakas ito,” sabi nito.

 

Aniya magiging mainit sa Metro Manila bagamat may posibilidad ng kalat-kalat na pag-ulan.

 

Ngunit nagtaas ang PAGASA ng gale warning sa Batanes kayat pinagbabawal sa mga mangingisda sa lalawigan na pumalaot.

 

“Sa ngayon, dahil po du’n sa anticipation ng pagbaba ng amihan dito sa extreme northern Luzon ay tinaas na natin ang gale warning dito po sa Batanes,” dagdag pa ni Estareja.

Read more...