“Build, build, build” program sa Visayas prayoridad ni Isko

Bibigyang prayoridad ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno ang pagtatayo “Build, Build, Build” program sa Visayas region.

Ito ay kung papalarin si Mayor Isko na maging pangulo ng bansa sa 2022 elections.

Ayon kay Mayor Isko, nakalilikha kasi ng trabaho at kabuhayan ang naturang programa.

“Pag meron bagong, tulay, highway, airport, sea port, at MRT, siguradong nandyan ang maraming trabaho at maraming opportunity para mas kumita ang tao. Yan naman ang prayoridad ng aking administrasyon, Buhay at Kabuhayan,” pahayag ni Mayor Isko.

Ginawa ng standard bearer ng Aksyon Demokratiko ang pahayag matapos ang dalawang araw nap ag-iikot sa Central Visayas.

Kasama ni Mayor Isko si Cebu Governor Gwendolyn Garcia sap ag-iikot sa Cebu-Cordova Bridge.

 

 

Read more...