Aabot sa 9,451 na quarantine violators ang naitala ng Philippine National Police sa unang araw ng implementasyon ng Alert Level 2 sa Metro Manila
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni PNP chief Guillermo Eleazar na mas mababa ito kumpara sa 9,746 na naitatala kada araw mula noong Oktubre 16 hanggang Nobyembre 4 na nasa Alert Level 3 pa ang Metro Manila.
Sa naturang bilang, 10 percent sa mga quarantine violators ay dahil sa paglabag sa curfew.
Mas mababa ito kumpara sa 24 percent na naitala noong nasa Alert Level 3 ang Metro Manila.
MOST READ
LATEST STORIES