Isang milyong COVID-19 vaccination sa isang araw ikinatuwa ni Senador Bong Go

Ikinatuwa ni Senador Bong Go na nakayanan ng pamahalaan na magsagawa ng isang milyong pagbabakuna kontra COVID-19 sa loob ng isang araw.

Ayon kay Go, bunga ito ng pagsusumikap ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng ibat ibang tanggapan ng pamahalaan.

“Welcome development na umabot na sa higit isang milyon ang ating daily vaccination rate. Sana ay tuloy tuloy nang ganito ang ating rollout sa susunod na mga araw hanggang marating ang herd immunity tungo sa susunod na taon,” pahayag ni Go.

“Resulta po ito ng kooperasyon ng ating mga kababayan, malasakit sa isa’t isa, at pagsisikap ng ating gobyerno upang mabakunahan at maprotektahan tayo laban sa COVID-19,” dagdag ni Go.

Sa pinakahuling talaan ng pamahalaan, nasa 62.5 milyon na ang nakabunahan.

Sa naturang bilang, 33.8 milyon ang nabigyan ng first dose habang 28.7 milyon na ang fully vaccinated.

Read more...